Make your own free website on Tripod.com

Samahan

 | Yahoo! | Google
7

Jose P. Rizal

buhay, personalidad, sosyalidad...

 

 

 

Indios Bravos

 

 

 

 

“Los Indios Bravos” ito ay nanganghulugang, “The Brave Filipinos”. Ang samahang ito ay tinatag at binubuo ng mga manunulat na Filipino na nasa bansang Europa. Si Jose Rizal pa mismo ang nagmungkahing gamitin ang salitang indio –ibig sabihin ay Negro, tawag ng mga Katila sa mga Filipino noong kanilang panahon ng pananakop– bilang opisyal na pangalan ng kanilang grupo sa kabila nang mapang-alipustang kahulugan nito. Doon nagmula ang titulo ng organisasyon hango na rin sa kataga ni Rizal na “proud-to-be-indio”. Layunin ng samahang ito na sumulat ng mga tula, kwento at mga artikulo sa pahayagan na nagpapakita ng masamang kalagayan ng mga Filipino sa sariling bansa sa kamay ng mga mananakop na Kasatila. Isa rin sa mga layunin nito ang pagkakaroon ng edukasyon ng bawat Filipino kaakibat na rin ang kagustuhan ni Rizal sa repormang hinihingi mula sa bansang Espanya. Sa pamamagitan ng grupong ito, nagkaroon ng magandang pakakahulugan ang salitang indio.

About Us | Site Map | Privacy Policy | Email Us | Pamantasan ng Lungsod ng Maynila 2005