Make your own free website on Tripod.com

Samahan

 | Yahoo! | Google
7

Jose P. Rizal

buhay, personalidad, sosyalidad...

 

 

Ang La Solidaridad ay ang samahan ng mga Pilipinong ilustrado sa Espanya. Layon nitong magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Spanish Cortes. Ito ay itinatag noong ika-13 ng Disyembre, 1888. Ang pangalan ng samahan ay siya ring tawag sa pahayagang kanilang inilathala.

Si Galicano Apacible, pinsan ni RIzal, ang pangulo ng La Solidaridad. Sina Graciano Lopez Jaena at Mariano Ponce naman ang pangalawang pangulo at ingat-yaman ng samahan. Bilang pagkilala kay Rizal na nasa London ng panahong yaon, iginawad sa kanya ang pagiging Honorary President nito. Sa kasamaang palad, hindi kinaya ni Apacible na pagbuklurin ang mga repormistang kasapi. Datapwat ang La Solidaridad ay nangangahulugang pagkakaisa, ang samahan ay naranas ng pagkawatak-watak at anarkiya. Kinailangan pa ang popularidad ni Rizal at katalinuhang pampulitikal ni Del Pilar para pag-isahin ang mga Pilipino sa Espanya.

Ang La Solidaridad ay nagsulong ng repormang pulitikal. Ang ilan pang naisin ng samahan ay ang sumusunod:

  • Sekularisasyon
  • Kinatawan sa Spanish Cortes
  • Pakikilahok sa Gobyerno
  • Pagkakapantay-pantay sa batas
  • Kalayaan sa pananalita, pagtitipon at pagpapahayag
  • Malawakang kalayaang panlipunan at indibidwal
  • Asimilasyon

Ang pahayagang nilimbag na may kaparehong ngalan ang naging daan upang pagsamahin ang mga ideya ng mga kasapi. Ito rin ang naging pangunahing medium ng propaganda mula Pebrero 15, 1889 hanggang Nobyembre 15, 1895. Ang unang patnugot ng pahayagan ay si Graciano Lopez Jaena. Di naglaon, humalili si Marcelo H. Del Pilar sa kanya.

Ang pang-ulong tudling ng unang isyu ng La Solidaridad na lumabas noong Pebrero 15, 1889 ay nagpahayag ng ganito:

Our aspirations are modest, very modest. Our program, aside from being simple, is clear: to combat reaction, to stop all retrogressive steps, to extol and adopt liberal ideas, to defend progress; in a word, to be a propagandist, above all, of democratic ideas in order to make this supreme in all nations here and across the seas.

Ang karamihan sa mga nag-ambag sa La Solidaridad ay Pilipino. Sila ay sina:

  • Marcelo H. Del Pilar (Plaridel)
  • Dr. Jose Rizal (Laon Laan)
  • Mariano Ponce (Naning, Kalipulo, Tigbalang)
  • Antonio Luna (Taga Ilog)
  • Jose Ma. Panganiban (Jomapa)
  • Dr. Pedro Paterno
  • Antonio Ma. Regidor
  • Isabelo delos Reyes
  • Eduardo de Lete
  • Jose Alejandrino

May ilan ding dayuhan na kaibigan ng samahan ang nag-ambag, tulad nila Propesor Blumentritt at Dr. Morayta.

Naging salik sa hindi malawak na pagkalat ng propaganda ng La Solidaridad ang pagsulat ng mga kasapi sa Espanyol, isang lenggwaheng hindi maunawaan ng masa. Dagdag pa rito ang masinsinang pagsala sa mga sulating nakapaloob sa nilimbag.

Sa kabila ng lahat, ang impluwensiya ng samahan sa rebolusyon ay hindi matatawaran. Totoo ngang ang La Solidaridad, mga nobela ni Rizal at iba pang uri ng propaganda ay may limitadong serkulasyon sa lipunan. Subalit, nakaabot ang mga ito sa mga ilustradong nananahan sa lalawigan. Sila ang naging katuwang ng mga propagandistsa sa pangangalap ng pondo at pagpapalaganap nang palihim ng mga repormang sinusulong. Ang pagpigil ng pamahalaan sa pagpasok ng La Solidaridad at ang paghinto ng pagpapakalat nito ang nagpatunay ng kawalang kalayaan sa pagpapahayag na siya kinukondina ng mga propagandista.

Ang mga sanaysay na nakapaloob sa La Soldaridad ay salamin ng realidad na nangyayari sa Pilipinas noong mga panahong yaon. Ang mga nakabasa nito ay nakisimpatya sa mga propagandistang sumulat sa mga akdang naroon. Sa ganitong paraan, nabuo ang damdaming makabayan sa kanilang mga puso. Dahil din ditto, naging handa sila sa paglaban para sa alam nilang katotohanan.

Noong Nobyembre 15, 1895, isinulat ni Marcelo H. Del Pilar ang kanyang pagpapaalam:

We are persuaded that no sacrifices are too little to win the rights and the liberty of a nation that is oppressed by slavery.

 

About Us | Site Map | Privacy Policy | Email Us | Pamantasan ng Lungsod ng Maynila 2005